???? ???? ?? ?????????? ?? ??????? ?????? ? ??????? ?? ????? ?? ???????
Umabot sa dalawandaang siklista at bike enthusiast mula sa bayan ng Asingan ang sumali sa isinagawang Find The One Bike Tour na pinagunahan ng Department of Tourism Region 1 nitong Biyernes November 12.
Ayon sa ahensya pinili nila ang Asingan bilang lugar ng Bike Tour upang itaguyod ito bilang isang bicycle friendly na komunidad habang sabay na nagpaalala sa importansya ng malusog na pamumuhay lalo na ngayong panahon ng pandemya
“Pasok ang bayan ng Asingan kasi maganda yung lugar natin eh specifically yung biking route natin. Nagkaroon kasi ng meeting with Pangasinan Developement Circuit and dito naipresent ko yung bike map ng Asingan and nagustuhan naman ng mga representative ng DOT mula sa Region 1.” ani ni Michael Soliven, Tourism Officer ng bayan ng Asingan.
Ang mga lumahok na siklista ay dumaan sa mga napiling ruta gaya ng Barangay Bantog, Macalong, Domanpot, Carosucan Norte, Sanchez, Cabalitian, Baro, Poblacion East at Poblacion West.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa pagpili sa Asingan ng ahensiya na pagdausan ng Bike Tour.
“Una nagpapasalamat tayo sa Department of Tourism na napili po nila ang bayan ng Asingan sa pamamagitan ng pagpresenta ng ating tourism officer na sir Michael Soliven. Isang malaking break ito para sa atin para makita na ng Department of Tourism na pinipilit natin na makapagcreate ng tourism side para sa ating bayang Asingan. Because one of our vision is to make Asingan as one of the agri-tourism Municipality entire Pangasinan and entire Region 1.” pahayag ng alkalde”
Lumahok sa naturang Bike Run ang mga siklista mula sa Team Mangken, Team Makder, Team Bakbak, Team Bangad. Team Cap, Tambikers. Mitura Eagls Club, GLoc 24 Asingan Chapter, GGSI-Maharlika Guardians, POSG Asingan, BFP Asingan, PNP Asingan at PIO Asingan.
Samantala, sa kabila ng kinakaharap na pandemya tiniyak ni Mayor Lopez Jr. na handa ang lokal na pamahalaan ng Asingan na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.
“Ngayong darating christmas at sana nga po tuloy tuloy yung pag ganda ng ating sitwasyon sa pandemya, kami naman po ng lokal na pamahalaan ay nagpreprepare ng kunting programa at kunting pasyalan. Inaayos po natin ang ating mga christmas decor natin para tayo ng maganda pasyalan gaya ng ating public plaza at sa ating mga ibang mga establishmento dito sa bayan.” dagdag ng alkalde