Voters registration, balik-serbisyo sa Setyembre 1; Barangay Satellite Registration suspendido pa rin
Ayon sa Comelec Resolution No. 10674, na inilabas noong August 12, 2020, magbubukas muli ang Voters Registration sa Setyembre 1, 2020 sa buong bansa, maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) o modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Asingan Election Officer III Leny Manangan Masaoy, maaring magsumite ng aplikasyon sa tuwing Martes hanggang Sabado, alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon sa himpilan ng COMELEC Asingan.
Suspendido pa rin ang mga satellite registration dahil sa banta ng COVID-19.
“Pag new normal na daw pwede na kaming makapag-request kung pwede ng mag-conduct ng per barangay kasi alam mo naman ang mga botante pag ganitong time, walang sasakyan yun ang mahal ng pamasahe” pahayag ni Masaoy.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying