NASA 7,600 Vegetable Seed Packs, Ipinapamahagi ng DA Asingan Sa mga Pampublikong Paraaralan
Bago ang pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral sa Agosto 29 para sa School Year (SY) 2023-2024, sinimulan na ng Department od Agriculture (DA) Asingan ang pamimigay ng libreng buto’t punla ng mga gulay sa mga pampublikong paaralan.
“Distribution po ito ng assorted vegetable seeds para sa kanilang gulayan sa paaralan, bale naka range to 100-200 packs of assorted of seeds, ” pahayag ni Minerva Rosas, ang kasalukuyang tumatayong Municipal Agriculturist.
Ang pamamahagi sa mga paaralan ng mga itatanim ay taonang programa ng lokal na pamahalaan ng Asingan.
“Para may mga gulay ang bawat paaralan dito sa Asingan,” dagdag ni Rosas.
Laman ng bawat pack ay mga buto’t punla gaya ng kangkong, pechay, sitaw, okra, talong, kalabasa, at sili. Ang mga ito ay maaari nang anihin at pakinabangan sa loob lamang ng apatnapu’t limang araw.
Una nang personal na binisita ng DA Asingan ang Carosucan Sur High School.
Sa kabuoan, 28 pampublikong paaralan mula sa elementary at high school ang mabibigyan ng vegetable seeds ng ahensiya.