UTANG NG MGA KAWANI NG GOBYERNO SA PRIVATE LENDERS, ‘SASALUHIN NG GSIS SA MABABANG INTERES!
PWEDENG HIRAMIN AABOT HANGGANG P500,000! GFAL II, ILULUNSAD PARA SA LAHAT NG KAWANI NG GOBYERNO.
Sa kakatapos lamang na Information Drive ng Government Service Insurance System (GSIS) Regional Office Dagupan sa mga empleyado ng munisipyo ng Asingan, kanilang ibinalita na maglulunsad sila ng refinancing program na sasalo sa mga utang ng lahat ng kawani ng gobyerno sa private lenders.
Ito ay sa pamamagitan ng GSIS Financial Assistance Loan (GFAL II) kung saan pwede nitong saluhin ang utang na hindi lalagpas sa P500,000. Paliwanag ng GSIS , nasa 6 porsiyento lamang kada taon lamang ang interes sa kanila kumpara sa 15-20 porsiyento sa mga lender. Ang loan ay payable hanggang “anim na taon”.
Para maging kuwalipikado sa ikalawang GSIS Financial Assistance Loan (o GFAL II) ang isang miyembro, kailangang siya ay active member na naghuhulog sa nakalipas na tatlong taon hindi baba sa P5,000 na net take home pay, kahit may loan sa GSIS at SOA mula sa sa priavate lenders.
Ang programang ito ay one time offer lamang na loan program.
Sa iba pang mga katanungan ay maaring magpunta sa GSIS Dagupan Branch Office bukas mula 8am umaga hanggang 5pm ng hapon.
Habang pag sabado naman ay bukas sila mula 9am to 4pm para sa Ecard application ,Ecard release, GFAL Application at Financial seminar.