Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Unang Araw ng Filing ng COC

Oct
1,
2024
Comments Off on Unang Araw ng Filing ng COC
Unang Araw ng Filing ng COC, Naging Matumal
Wala pang naghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) ngayong araw sa Comelec Asingan. Nananatili namang nakabantay ang pulisya sa lugar sakaling may maghain ng kanilang COC.
Ayon kay Election Officer III Lenny Manangan-Masaoy ay nasa dalawang (2) kandidato naman ang kumuha ng Coc form kaninang umaga.
Dagdag pa niya ay nasa sampung (10) indibidwal naman ngayong araw ang sumubok na humabol para sa voters registration pero paliwanag ng ahensya ay nagtapos na ang deadline registration kahapon, September 30.
Samantala, inaasahan naman sa susunod na mga araw ay maghahain ng kanilang kandidatura for re-election sina incumbent Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Vice Mayor Heidee Chua at Team Unity para sa eleksyon 2025.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top