Tig 10K Para sa Edad na 80, 85, 90 at 95, Inaasahan na ilalabas na sa Enero ng 2025 ayon Kay Senador Bong Revilla Jr
Good news para sa ating mga lolo at lola, simula Enero ng 2025 ay makatatanggap na ng P10,000 cash gift mula sa gobyerno ang mga Pilipino na magdiriwang ng kaarawan na may edad na 80, 85, 90, at 95. Ito ay ayon kay Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na pangunaging nagsulong ng Republic Act No. 11982 o “Expanding the Coverage of Centenarians Act”.
“Ipaalam niyo sa ating mga lola’t lolo dahil kailangan po nilang magparehistro sa OSCA o Office of Senior Citizen Affair para po ma-coordinate. Starting March 17 of this year may budget na po yan pero makukuha yang pay out na yan by end of January. Kung hindi kaya ni lola at lolo kayo na mga apo o anak ang gumawa nun para matanggap nila yung yung pera.” pahayag ng Senador.
Sa kasalukuyan ay nasa 607,600 na indigent senior citizens mula sa rehiyon uno ang tumatanggap ng social pension na may halagang 12,000.00 kada taon.
Samantala nasa tatlong libo at limandaan (3,500) na mga estudyante at residente ng siyudad ng Urdaneta ang nabigyan ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ito ay sa inisyatibo na rin ni Senador Revilla Jr. na personal na pinuntaha ng kanyang anak na si Cavite Vice Governor Ram Revilla.
“Alam ko ang mga Pangasinense ay never na nakalimot sa akin, palagi tayong nasa top 3 sa mga laban ko dahil sa inyo hinding hindi ako pwedeng makalimot . Kaya kung anoman ang pangangailangan ng mga taga Pangasinan bukas po ang opisina ko kasi ako po ay tumatanaw ng utang na loob sa inyo.” dagdag ng Senador.