TATLONG TRAKTOR AT DALAWANG KULIGLIG MULA PHILMECH, TINANGGAP NG MGA GRUPO NG MAGSASAKA SA ASINGAN
Ngayong araw ay tumanggap ng bagong tractor at kuliglig ang ilang grupo ng magsasaka sa bayan ng Asingan.
Binigyan ang Bantog Samahang Nayon Cooperative ng isang tractor at dalawang kuliglig habang ang Rang Ay Dupac Integrated Farmers Association at Nagkaisa Multi-Purpose Cooperative ay nakatanggap ng tig-isang kuliglig mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PhilMech sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program.
“Laking pasalamat po namin sa nabigay sa amin na farm equipment kasi malaking bagay po ito lalo na sa aming mga magsasaka. Ito ay nakakatulong para mapataas pa namin lalo ang produksyon ng aming mga palayan at mais at mapapababa ang kanilang gastusin.” Ayon kay Rolly Mateo Sr, Chairman ng Bantog Samahang Nayon Cooperative Cooperative.
“Apo Mayor agyamyaman kami datoy grupok Bantog Samahang Nayon MultiPurpose Cooperative sapayla kuma apo Mayor ta dika maum uma nga mag tulong dagiti mannalon nga kasla kanya mi.” dagdag nito.
Ang PhilMech ang inatasan ng gobyerno na mamahagi ng makinarya sa mga kwalipikadong asosasyon at kooperatiba ng mga magsasaka.
“Nagpapasalamat tayo sa PhilMech sa pamamagitan ni Congressman Agabas dahil yung mga request ng ating mga farmers ay na-grant na. Hopefully ma-aprubahan din yung ibang mga request ng ating mga farmers kasi sinusuportahan natin sila nagbibigay din ako ng endorsement para makakuha tayo ng mas marami.” ani Mayor Carlos Lopez Jr.
Romel Aguilar / JC Aying