STEP 2 NG REGISTRATION PARA SA NATIONAL ID, MULING PINAGPALIBAN
Ipinagpaliban ang step 2 registration ng Philippine identification System (PhilSys) o National ID, na nakatakda sanang isagawa ngayong December 1 hanggang 13.
Dahil sa pagtama ng mga bagyo sa nakalipas na buwan ay naapektuhan ang pagdating ng higit apat na libong (4,0000) registration kit na gagamitin ng tatlompu’t dalawang probinsiya, para sa pagkuha ng biometric at iris scan.
Sa ngayon ay nasa halos anim na miyong Pilipino na mula sa low-income households ang nakarehistro na para sa Step 1 Registration ng PhilSys.
Target ngayong 2020 na mairehistro ang siyam na milyong Pilipino, apatnaput limang milyon sa 2021 at apatnaput dalawang milyon sa 2022.
Ang unified ID system ang inaasahang papalit at bubuo sa bank requirements para sa pagbubukas ng bank account, kung saan tatanggalin na ang kasalukuyang practice na pagpresenta ng dalawang ID cards bilang proof of identity.
Romel Aguilar / JC Aying