SM SCHOLARSHIP APPLICATION PARA SA MGA PANGASINENSE, EXTENDED HANGGANG MARSO 20
Pinalawig pa ng SM Foundation ang aplikasyon ng kanilang scholarship hanggang Marso 20 upang matugunan ang mas maraming mga qualified at deserving na mga estudyante sa gitna ng kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19.
Ang SM College Scholarship Program para sa school year 2021-2022 ay bukas para sa mga nakapagtapos ng Grade 12 sa pampubliko o pribadong paaralan.
Para sa private school graduates, ang mga aplikante ay dapat may voucher mula sa Department of Education o DepEd at nakapagtapos ng Junior High mula sa pampublikong paaralan.
Ang aplikante ay dapat may General Weighted Average grade na hindi bababa sa 88% sa unang semester ng Grade 12; at may total household income na hindi hihigit sa P150, 000 kada taon.
Saklaw ng programa ang mga kursong gaya ng Computer Science, Information Technology, Engineering (Civil, Electrical, Mechanical, Computer, at Electronics), Education (Elementary at Secondary); Accountancy, Financial Management, at iba pa.
Sa mga nais mag-aplay, bisitahin lamang ang https://scholarship.sm-foundation.org.
Para sa iba pang mga pag-update, magfollow sa opisyal na mga social media account ng SM Foundation (Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube): @SMFoundationInc.
Ang SM Foundation ay mayroon ng limang libong iskolar na natulungan simula pa noong 1993.
Romel Aguilar / JC Aying