“Silent killer’ na altapresyon, ingatan ngayong papalapit ang kapaskuhan, isang bagong ordinasya isinusulong sa SB.”
Good News!Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ang isang ordinansya na tinatawag na “Altapresyon Mo, Sagot ko”. Edad 25 naman ang target nasisimulan sa bawat barangay.
Sa pagdinig, sinabi ni Dr. Ronnie Tomas at Dra. Thea Sison ang hypertension ay isa sa sampung sakit na may mataas na “morbidity at mortality” sa Asingan. Base naman sa datos ng Philippine Heart Association, mayroong 25 milyong Pinoy na hypertensive sa ngayon.
Sa nasabing proyekto layon nito ang limitahan at maiwasan ang sakit na hypertension. At kung maipasa na ay sisimulan ito sa ating mga barangay o Community-Based.
Paalala din ni Dra. Sison na ugaliing kumain ng mga masusustansiyang pagkain, bawasana ang mga maalat at mamantikang pagkain, iwasan ang paninigarilyo, pag inom ng alak at ugaliing mag ehersisyo kahit 20 minutos kada araw.
Kasama sa nasabing pagdinig sina konse AIra GChua, konse Marivic Salagubang Robeniol, konse Mel Franada Lopez, konse Melchor Cardinez, Liga President Leticia Ramos Dollente, PPSK Chairman Fiel Xymond Cardinez at represante mula sa ibat ibang organisasyon.