SEN. LETICIA RAMOS-SHAHANI MUNICIPAL LIBRARY, ISA NG TECH4ED CENTER; DICT, NAMIGAY NG APAT NA LIBRENG COMPUTER
Pormal na pinasinayaan kamakailan ng mga tauhan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang Sen. Leticia Ramos-Shahani Municipal Library bilang Technology Empowerment for Education, Employment, Entrepreneurship, and Economic Development o TECH4ED Center.
“Ang target po nito na ma-solve is yung issue po ng digital divide where in, meron pong gap between those who have the technological resources and the skills use and those who don’t. Kumbaga, marami pa pong napag-iiwanan when it comes to resources ng technology. For example, nakikita po natin ngayon sa education, maraming estudyante ang walang gadgets at marami din ang walang ICT skills so yun po ang iso-solve ng TECH4ED Center, wherein pag-pumunta silang center pwede po silang maka-access ng for free ng computer, ng internet, as well as free ICT skill training.” ayon kay Jing Berry Niño, Project Development Officer 1 ng DICT at assigned Tech4Ed Coordinator.
Kaalinsabay nito ay nagbigay ng bagong apat na unit ng computer, isang printer, isang router at iba pang accessory ang DICT Luzon Cluster 1.
“It so happen na meron po kaming nahinging pondo para mabigyan din po ng equipment ang mga munisipyo na wala pa pong presence ng TECH4ED. So ito nga pong Asingan, isa po sa mga yun fortunately na nabigyan at pang apat sa 6th district” ani ni Condrado Castro Jr. Pangasinan Provincial Officer ng DICT.
Parte din ng TECH4ED center ang pagbibigay ng “assistance” sa mga kababayan ng basic services gaya ng pagtuturo sa pag-apply ng PSA documents at passport sa tulong ng Center Manager.
“Napakaganda kasi din ng project ng TECH4ED, ngayong time ng pandemic kailangan talaga siya na magkaroon ng ganito as some community source na uy may ganito pala tayo. What if wala silang load then they are nearby, pwede silang gumamit ng public wifi, pwede rin sila gumamit ng project para sa mga anak nila.” pahayag ni Kima Sirot RL, Librarian 1 ng Sen. Leticia Ramos-Shahani Municipal Library.
Sa ngayon, operational na ang silid aklatan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, lunes hanggang biyernes.
Pinasalamatan ni Sirot sina Mayor Carlos Lopez Jr, Vice Mayor Heidee Chua at dating Board Member Ranjit R. Shahani nang maisakatuparan ang ganitong mga proyekto ng silid aklatan.
Dumalo din sa nasabing pagpapasinaya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Romel Aguilar / JC Aying