REGULAR NA PAGKAIN NG GULAY, SEKRITO SA MAHABANG BUHAY NG ASINGAN CENTENARIAN
Personal na dinalaw at binisita ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr kasama ang mga tauhan ng Municipal Social Welfare Department na sina Princess Poon at Teresa Obra Mamalio ang tatlong Asingan centenarian upang ibigay ang tig P10,000 na cash gift na mula sa lokal na pamahalaan.
Isa sa mga nabiyayaan ang dating sundalo ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) na si lolo Bartolome Benlayon ng Barangay Sobol.
Pagkain ng gulay at pag iwas sa karne ang sikreto ni lolo Bartolome para sa mahabang buhay.
“Haan ak agsidsida ti karkarne, gulay lang karamihan gaya ng malunggay, dahon ng gabi, talbos ng kamote, kangkong– yan ang inuulam ko.” paliwanag ni lolo Bartolome.
Kasama sa mga nabigyan din ng cash gift ay sina lola Agustina Casio ng Barangay Domanpot at lola Leonora Acosta ng barangay Cabalitian.
Sunod na matatanggap ng tatlong centenarian ang tig-P100, 000 bilang bahagi ng kanilang benepisyo na itinatakda ng Centenarians Act of 2016.
Romel Aguilar / JC Aying