School- based immunization program, muling inilunsad ng DOH kasama ang RHU Asingan; Dengvaxia hindi nagkaroon ng ganung bakuna sa Asingan.
Sa pagbisita ni Mayor Carlos Lopez Jr halos dalawandaan na mga estudyante ng Barangay Carosucan Sur Elementary at High School ang sabay sabay na nagpabakuna sa ika-apat na taon ng School- based immunization program.
Muling pinaalala ng RHU Asingan sa mga magulang na huwag ipagkait ang mga bata at dapat gawin silang protektado sa sakit. Ang mga nasabing ginagawang mga pagbabakuna ay “booster” lamang at malayong malayo sa kaso ng dengvaxia.