SB Corner: Karagdagang mini fire truck para sa BFP Asingan, isinusulong; Makapal at mabahong putik mula Sinapog River, tutuldokan na!
Inatasan ng Municipal Reduction Management Council ang Sangguniang Bayan ng Asingan upang gumawa ng resolusyon para sa karagdagang firetruck ng Bureau of Fire Protection o BFP.
Sa katatapos lamang na 3rd quarter meeting ay isa sa natalakay ang importansya ng gamit pang-apula ng sunog.
“Yung maliit na fire truck kailangan yun para makapasok sa iski-iskinita kagaya ng Sinapog. Sila yung gagawa ng resolution na magre-request ng sasakyan sa Makati kasi may sisterhood agreement ang Asingan saka Makati City. So lahat ng benepisyo na pwedeng ibigay ng Makati para sa Asingan pwede nating makuha.” pahayag ni Dr. Jesus Cardinez, head ng MDRRMO.
Nag-request din ang BFP-Asingan ng karagdagang mga gamit para sa kalamidad.
“Hiniling ko po na i-include doon pag nag-purchase sila kasi ang BFP wala talagang na ipo-provide kasi wala kaming pondo para doon, so lucky na okay naman daw, isasali kami doon.” saad ni SFO4 Nerissa M Bruan, Acting Municipal Fire Marshal.
Samantala, mawawala na ang matagal nang inirereklamo ng mga residente na makapal at mabahong putik sa Sinapog River.
Sa pagtugon ni Mayor Carlos Lopez Jr. sa deka-dekadang problema na ito, napagdesisyunan na ilinya ito sa ibang programa ng LGU.
“May request ang mga concern citizen na i-desilting natin yan, magdeclogging tayo which is ang gagawin natin para matuto yung mga tao na doon na nagbabasura i-fofood to work ko pero yung andun mismo ang magta-trabaho.” ani Mayor Carlos Lopez Jr.
Apat na barangay ang dinadaluyan ng ilog ng Sinapog ito ay ang Barangay Poblacion East, Baro, Sanchez at Cabalitian.
“Pag tag ulan bumabaha lumalagpas sa Sinapog river tapos pag wala namang baha, tag init di walang tubig mabaho puro putik yun eh. Makapal yung putik na yan mga isang metro na yun kaya kailangan na yung hukayin para matanggal” ayon kay Councilor Johnny Mar Agunias Carig.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying