Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Registration, Vaccination at Identification para sa mga alagang aso

Jan
13,
2020
Comments Off on Registration, Vaccination at Identification para sa mga alagang aso

Registration, Vaccination at Identification para sa mga alagang aso, kauna unahang ordinansa sa Pangasinan.

Mga may-ari ng mga asong-gala na nagdudulot ng aksidente at rabies, bilang na ang mga araw.

Sangguniang Bayan ng Asingan nasa huling pagrerepaso na ng ordinansya; Isang buwan na kulong magiging multa sa may ari na magpapabaya.

Nasa huling pagdinig at approval na “lamang” ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na inumpisan ni dating konse Jesus Cardinez na naglalayon upang maisaayos ang mga alagang aso.

Hinihimok ng nasabing ordinansa sa mga residente na huwag hayaang makawala ang mga alagang hayop upang maiwasan ang mga aksidente, mga insidente sa pagkagat at pagkalat ng rabies.

Bibigyan ng kaukulang dog tag (Identification) para sa mga alagang aso sa oras na ito ay maiparehistro ng may ari sa kanyang barangay at bibigyan na rin ng bakuna kung ang alaga ay may tatlong taong gulang pataas.

Ang mga asong gala na mahuhuli ng barangay ay magmumulta ng hindi bababa sa isang libong piso (P1,000) sa oras na ito ay naaprubahan na.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top