Region 1 Medical Center, nanawagan sa mga LGU na magsagawa ng blood letting activity kontra kakulangan ng suplay ng dugo
Muling nanawagan ang Region 1 Medical Center sa mga local government unit na magsagawa ng blood letting activity matapos bumaba ang nakokolekta nito dahil sa banta ng COVID-19.
“Di lang tayo dapat nakafocus sa pandemya ng Covid kasi noong wala pa ito araw araw naman nangangailangan ng dugo. Hindi tayo pwedeng tumigil na hindi magconduct ng ganitong activities, mayroong guidelines na binigay ang DOH na Department Memorandum 2020-0124 na puwedeng magconduct ng ganitong activities limited to 50 donors” pahayag ni Alexis Marquez, Medical Technologist II at Head ng Mobile Blood Donation.
Isa sa mga pumunta sa sinagawang blood letting sa bayan ng Asingan ay ang tatlumpu’t apat na taong gulang na OFW na si Larry Gural
.
“Regular naman akong nagdodonate every six months. Sa Thailand nagdonate din ako para atleast maging ok yung blood circulation niya then makapag produce ng panibagong dugo so yun ang ginawa ko minimaintain ko yun every six months” ayon kay Gural.
Samantala , alas singko pa lamang ng madaling araw ay gising na ang unang nagdonate na si Michael Raymond Mamerto mula sa Barangay Carosusan Sur na 2017 nang huling magdonate ng dugo.
“Hinihikayat ko po yung ibang mga tao na gusto pong magdonate para na din po makatulong sa ibang kapwa na nangangailangan ng dugo” ani ni Mamerto.
Bukas naman ay sa bayan ng Alcala magsasagawa ng blood letting activity ang Region 1 Medical Center.
Writer Akosi MarsRavelos
Photo JC Aying