Random Drug Test ng mga empleyado sa Munisipyo ng Asingan nag umpisa na.
Mahigit 100 na mga empleyado ng LGU-Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr ang sorpresang sumailalim sa Random Drug Test ngayong umaga. Ito ay bilang tugon na rin sa programang nakapaloob sa Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).