Random checkpoints, ‘Oplan Sita’ ipinatutupad sa MGCQ areas gaya ng Asingan
Dumami ang mga taong pinapayagang lumabas ng bahay sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) kaya’t mas hinigpitan ang pagmomonitor ng PNP sa lansangan.
Ayon kay Police Major Leonard Zacarias, ang hepe ng Asingan PNP, kahit noong ECQ ay regular ang kanilang ginagawang checkpoint para maiwasan ang pagkalat ng COVID sa pamamagitan ng pag-check sa mga kababayang pumapasok ng bayan na walang papeles.
Sa kasalukuyan, mapapansin ang pagbabago sa checkpoint dahil isinasabay na ang Oplan Sita para sa masita ang motorist violators gaya ng mga nagpupumilit mag-angkas.
Isa rin umano itong hakbang kontra kriminalidad.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying