PWD at mag asawang Senior Citizen na may anak sa abroad nakatanggap na ng libreng bigas mula sa LGU Asingan
Masayang ikinuwento ng mag asawang Adelaida at Anatalio Villoria, parehong residente ng Barangay Palaris, ang pagkatanggap nila ng libreng bigas mula sa lokal na pamahalaan ng Asingan nitong umaga.
“Tuwang tuwa ako kasi hindi ako bumibili ng bigas, paubos na. Hindi kasi ako pumupunta ng palengke, tapos senior citizen ako eh bawal maglabas labas ang senior. Dalawang araw paubos na bigas namin” ayon sa walumpong taong gulang na si Anatalalio Villoria.
Ang mag asawa ay may tatlong anak na may sari-sarili na ring buhay dito sa pilipinas at abroad. “Ang mga anak namin nasa La union pero nagtatrabaho sa palawan yung isa, sa Washington yung isa, nasa California lockdown din sila doon. Hindi sila makapagpadala sa amin ng pera” sabi ni Adelaida Villoria.
“Labis kaming nagpapasalamat malaking tulong ito. Salamat at nabigyan kami ng bigas kasi kahit na may palay hindi ka naman makapunta magpakiskis, walang Pension at hindi miyembro ng Senior Citizen ng Asingan” dagdag ni nanay Adelaida.
Samantala sa Barangay Bobonan, nakatanggap din ng sako ng bigas si Maricris Dela Vega, isang Person With Disability noon pang 2018 makatapos siyang masangkot sa disgrasya sa trisikel.
“For me, maganda po yung ginagawa nila lalo na ngayon. Ang hirap mamalengke tapos isa lang yung pumupunta, sa tingin ko ok itong 25 di gaya dati ilang kilo lang good for two days o one day ubos na agad. Ito aabot ito ng kalahating buwan.” sabi ni Dela Vega.
Maraming salamat po.
Ang mga miyembro ng Municipal Inter-agency Task Force COVID-19 ay ang kasamang magdedeliber sa bahay-bahay.
Mayor Carlos Lopez Jr.
Vice Mayor Heidee Ganigan Chua
Councilor Aira Chua
Councilor Marivic Robeniol
Councilor Mel Lopez
Councilor Jesus Pico
Councilor Johnny Mar Carig
Councilor Melchor Cardinez Sr.
Councilor Mark Abella
Councilor Joselito Viray
Liga President Leticia Dollente
SK President Fiel Xymond Cardinez
MDRRMO Dr. Jesus Cardinez
MPDC Engr. Emeterio Laroya
Municipal Health Officer Dr. Ronnie Tomas
Rural Health Physician Dr. Joyce Thea Sison
MLGOO Mrs. Eduviges Villanueva
DOH Representative Dr. Amadeo Zarate
Municipal Treasurer Imelda Sison
Municipal Budget Officer Mrs. Emely Badua
Municipal Accountant Mrs.Marjorie Tinte
HRMO/Peso Manager Mrs. Rizalina Aying
PNP Chief P/Maj Leonard Zacarias
BFP SPO4 Loreto Bernardino
Market Supervisor Mr. Alejandro Torio
Tourism Officer Designate Mr. Michael Soliven
DepeD District 1 Supervisor Dr. jimmy Laroya
DepeD District 2 Supervisor Dr. Rosalina Saguiped
PIO Designate Romel Aguilar
? JC Aying / Akosi MarsRavelos
? Akosi MarsRavelos