Puso ng saging tampok sa katatapos lamang na Nutrition Month 2019. Mga niluto simo’t sarap! Poster making contest, Nakulayan na! Mayor Lopez magdagdag ng mga papremyong Smart TV sa susunod na taon.
Matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Committee ng Pamahalaang Bayang ng Asingan ang Cookfest at Poster Making Contest para sa pagdiriwang ng 2019 Nutrition Month noong ika-31 ng Hulyo sa Hon. Sapigao Sports Complex
Naiuwi naman ng Narciso Ramos Elementary School ang 1st Place sa Cookfest, 2nd Place dito ang Ariston-Bantog Elementary School at 3rd Place naman ang St. Louis Bertrand School.
Samantala sa Elementary category naman ng Poster Making Contest ay nasungkit naman ng Carosucan East Elementary ang 1st Place, Toboy Elementary School sa 2nd Place at 3rd Place sa Carosucan Sur Elementary School.
Sa High School category namayani ang Ariston-Bantog National Highschool sa 1st Place, Eylim Christian School sa 2nd place at 3rd Place naman sa Luciano Millan National Highschool.
Nakiisa sa programa sina Mayor Carlos Lopez Jr, Vice Mayor Heidee Chua, Konse AIra GChua, Konse Marivic Salagubang Robeniol, Konse Melchor Cardinez, Architect Edmund Rafanan, District Supervisor na sina Jimmy Laroya at Rosalina Saguiped.
KUMAIN NANG WASTO AT MAGING AKTIBO, PUSH NATIN ‘TO! ang nating tema naman ngayong taon ng Nutrition Month 2019