Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PSA Pangasinan magsasagawa ng Census sa buong probinsya simula sa May 4

Feb
20,
2020
Comments Off on PSA Pangasinan magsasagawa ng Census sa buong probinsya simula sa May 4


PSA Pangasinan magsasagawa ng Census sa buong probinsya simula sa May 4; Mga guro ng DEPED mangunguna sa pagkuha ng datos. Mga taga Asingan pinag-iingat sa modus operandi.
Nagpulong ang mga miyembro ng Municipal Census Coordinating Board (MCCB) kasama ang PSA Pangasinan upang pag-usapan ang muling pagsasagawa ng Census sa taong ito.
“Every ten years kasi meron tayong mandated na conduct of census of population and housing, itong 2020 ay magkakaroon tayo ng start ngayong May 4, 100% enumeration ng lahat ng mga household dito sa bahay ng Asingan simultaneous sa lahat ng bayan sa buong pilipinas ani ni Ferdinand Jocutan, Focal Person 2020 Census on Population and Housing Pangasinan.
Samantala isinasaad sa batas na ang mga guro naman ang mangangalap ng datos sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay upang makatiyak na ang puno ng sambahayan o ang isang responsableng miyembro nito ay makapagbibigay ng tamang tala ukol sa kanilang sambahayan.
“Lagi kaming nakikiusap sa ating mga kababayan na kung andyan na po si madam, naka uniform naman si mam naka id properly identified naman siya huwag po naman natin ipagkait ang oras upang sila ay harapin at pakisagot lang po legal na katanungan na kanilang itatanong sa inyo dahil ito po ay nakapahalaga na makalap natin ang tamang datos impormasyon para sa mga tinatanong po natin during the census enumeration” Dagdag ni Jocutan.
Nagbabala naman ang PSA bago patuluyin ang magsasabing magcecensus sa kanikanilang bahay dapat meron silang ID na may katunayan at dumaan kay Punong Barangay para humingi ng pahintulot upang maglibot sa kanilang barangay upang makaiwas sa krimen gaya ng akyat bahay, budol budol o salisi gang.
Akosi MarsRavelos
JC Aying
Jimmy Laroya
Ernesto Pascual

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top