Produktong gatas ng kalabaw sa Asingan may bago ng itsura, Salamat Philippine Carabao Center!
Multi-Milyong state of the art na isktraktura ipapatayo ni Abono Partylist Cong. Estrella!
Lodi Mayor Lopez kasado na para gawin ang pinakamalaking biko sa Pilipinas para sa Kankanen Festival!
Tiyak na papawow ka sa sarap pati na rin sa bagong itsura ng packaging ng ating pinagmamalaking gatas ng kalabaw!
Kamakailan ay pinasinayaan na ang pagbubukas ng bagong “Dairy Box” sa pangunguna ni Dr. Arnel del Barrio ang Executive Director ng Philippine Carabao Center (PCC). “Nagsimula lang po ito sa isang proof of concept ang idea ko lang noon paano kaya namin malelevel up itong ating industry we started 4 years ago sa nueva ecija “ ayon kay Del Barrio.
Base sa naging tala ng PCC nitong 2015 ay umabot sa 518,465 ang ipinanganak na kalabaw sa bansa bukod pa rito ang kabuuang bilang ng mga alaga ng mga magsasaka na nasa humigit 2.8-Milyong kalabaw. “Minsan lumiliit na po kasi ang carabao production specially mga babaing carabao yun po talaga importante meron naman tayong mga scientific method na nakakatulong sa dissemination di po ba malaking bagay po yun na nakakakaproduce po tayo” sa mensahe ni 6th District Board Member Salvador Dong Perez Jr ang representative ni Governor Amado ‘Pogi’ I. Espino III sa okasyon.
Samantala magdadagdag naman ng ice cream maker si lodi Mayor Carlos Lopez Jr “I would like to invite everyone sa aming pong fiesta sa april 12, isa po ito sa ingredients sa aming kankanen datoy ti maysa nga sangkap apo atoy nga gatas ilaok minto kankenen me, umay kayo apo we will make one of the largest biko in the Philippines” sa mensahe ng butihing Mayor.
Ang “Dairy Box” sa Asingan ang kauna unahang sa Pangasinan habang pang siyam naman ito sa Pilipinas. Nangako naman si Abono Partylist Congressman Condrado Estrella III na gagawin niyang pinakamagandang branch ito na maglalagay multi-milyon na pondo. “Gusto kong umasenso itong industriyang na ito kaya itong nakaraang budget hearing pinilit ko na makaproduce ng 15 million pesos saan natin gagamitin? magpapatayo tayo ng magandang building dito sa loob ng dairy box” ayon ka Congressman Estrella III.
Sa gagawing 2-story building tampok dito ang state of the art na kitchen sa loob ng restaurant na tatawaging “Letty’s Delight Restaurant” bilang pagkilala sa naunang nagsulong ng Dairy Industry sa Asingan na si dating Senadora Leticia Valdez Ramos-Shahani na makikita sa unang palapag. Sa pangalawang palapag naman ay nakadisplay ang lahat ng paninda ng mga miyembro ng Bantog Samahang Nayon Multipurpose Cooperative sa “Dairy Box”.
Kasama din sa pagbubukas sina Gloria Dela Cruz Director, Philippine Carabao Center- DMMMSU Rosario, La Union; mga opisyales ng DTI, DAR, DSWD, Provincial Government of Pangasinan, Provincial Veterinarian Office at LGU-Asingan.
Arya Asenso Asingan
Akosi MarsRavelos