Pitong Klase ng Panghimagas, Tampok sa Asingan Kankanen Festival 2025
Biko, latik, puto, suman, palitaw, tupig at bitso bitso – ito ang napagkasunduang ilalatag ngayong buwan ng Abril sa isasagawang Asingan Kankanen Festival 2025.
Ayon na rin sa napagkasunduan ng mga miyembro ng Asingan Town Fiesta Executive Committee (ATFEC) kahapon February 3, araw ng Lunes.
Tinalakay din ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng town fiesta gaya ng Little Miss Asingan, Ginoo at Mutya ng Asingan at marami pang iba.
Balak namang ganapin ang first canvassing ng Mrs. Asingan 2025 ngayong araw ng Biyernes February 7.