Good News: Pitong asosasyon ng 4Ps mula sa Asingan, nabiyayaan ng programang pangkabuhayan ng DSWD na nagkakahalaga P1.5 milyong piso.
Nagmula sa barangay Sobol, Carosucan Norte, Cabalitian at Poblacion West na pawang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang makikinabang sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Hinikayat naman ni Mayor Carlos Lopez Jr ang iba pang mga 4Ps sa ibat ibang barangay upang samantalahin ang pagkakataon na tulad nito. Ang gagawin lamang ay bumuo ng grupo o asosasyon mula sampu hanggang labinlimang miyembro.
Sa nasabing programa ay hindi “pera” ang ibibigay sa kanila kundi ang katabumbas ng halaga ng materyales na gagamitin.
Batay sa talaan ng DSWD ang mga itatayong negosyo ay Community School Canteen, Rice Retailing at General Merchandise.
Layon ng programang matulungan ang mga mahihirap na magsimula ng maliit na negosyo upang magkaroon ng sariling pagkakakitaan upang matugunan ang mga pangangailangan
Arya Asenso Asingan