Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pinangunahan ng (DOLE) Eastern Pangasinan Orientation para sa (40) benepisyaryo ng (SPES).

Jun
3,
2024
Comments Off on Pinangunahan ng (DOLE) Eastern Pangasinan Orientation para sa (40) benepisyaryo ng (SPES).
Pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Eastern Pangasinan sa pamamagitan ni Geraldine Padilla katuwang si Rizalina Aying ng Public Employment and Service Office (PESO) – Asingan ang orientation para sa apatnapung (40) benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES).
Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ating mga piling mag-aaral at out-of-school youth (OSY) mula sa ating bayan.
Malaking tulong ito upang ang ating mga kabataan ay maging produktibo at makatulong sa pamilya.
Isa rin itong oportunidad upang makapag-ipon habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.
Ang mga beneficiaries ay magtratrabaho ng 20 na araw at may sahod na P502.27 kada araw.
Pinasalamatan naman ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Bienvenido Laguesma sa patuloy na pagbibigay ng mga programa para sa mga mamamayan ng Asingan gaya ng Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Government Internship Program (GIP) at iba pa.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top