Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PICKLE BALL, BAGONG PATOK NA LARO SA ASINGAN NGAYONG PANDEMYA

Feb
2,
2021
Comments Off on PICKLE BALL, BAGONG PATOK NA LARO SA ASINGAN NGAYONG PANDEMYA

PICKLE BALL, BAGONG PATOK NA LARO SA ASINGAN NGAYONG PANDEMYA
Ngayon panahon ng pandemya ay tanging mga non-contact sports gaya ng biking, jogging, swimming, running at mga katulad nito ang pinapayagan alinsunod sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF.
Sa bayan ng Asingan, ay may isang laro na kinahihiligan ang mga tao. Ang Pickle Ball.
“Ito kasing Pickle Ball is a non-contact sports so base on IATF resolution number 56, ina-allow na mag take action yung mga non-contact sports like lawn tennis, like badminton, table tennis. So amids this crisis natin na may pandemic tayo, if we are looking for a sport na we will get help the unfit ito ang isa sa mga sports na pinapagayan ng gobyerno” ayon kay Jonathan Jover, Presidente ng Asingan Pickle Club.
Sinabi ni Jover na ang larong Pickle Ball ay nagsimula sa America noong taong 1965 at dinala dito sa bansa ni Michal Ray Johnsson, ang kasalukuyang Presidente ng Pickle Ball Federations of the Philippines.
“Ang Pickle Ball is a combination of lawn tennis, badminton and table tennis so parang cross siya. So basically you are using the shots and the action of lawn tennis in a badminton size court. So magkaiba kasi ang lawn tennis, masyadong malawak yung area but here yung game ng lawn tennis inaapplay dito sa badminton size na court and meron din variations na ginagamit natin sa badminton ina-apply din dito sa Pickle Ball.” kwento ni Jover.
Disyembre nang nakaraang taon ng matutunan ng ilang Asinganian ang larong ito, sa ngayon ay nasa lagpas limampung indibidwal na ang miyembro ng samahan na ito.
“I am proud na ang Asingan ang unang una sa whole Philippines na mayroong fully dedicated Pickle Ball courts kasi from other town and provinces kinovert lang muna nila for the meantime yung mga basketball courts nila as Pickle Ball courts, but dito sa atin sa Asingan with the support of our local government unit headed by our beloved Mayor Carlos Lopez Jr. and Vice Mayor Heidee Chua they allowed us to use this government facility na magput up ng Pickle Ball Court” saad niya.
“Sa lahat po ng taga mga Asingan inaanyayahan po namin kayo na itry ang Pickle Ball, if you want to be healthy, if you want to be fit, lahat kayang kaya laruin ang Pickle ball. Hindi niyo kailangan bumili ng equipment, dahil may gamit na para sa lahat so you can try the sport. So just come here, andito kami from Monday to Sunday, in the morning 6:30 to 9, in the afternoon 4:30 to 6” panghihikayat nito.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top