Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PHILMECH, NAMAHAGI NG BAGONG TRAKTOR SA GRUPO NG MAGSASAKA SA ASINGAN

Nov
23,
2020
Comments Off on PHILMECH, NAMAHAGI NG BAGONG TRAKTOR SA GRUPO NG MAGSASAKA SA ASINGAN

PHILMECH, NAMAHAGI NG BAGONG TRAKTOR SA GRUPO NG MAGSASAKA SA ASINGAN
Nakatanggap ng bagong 4-wheel tractor ang San Calvo Association ng barangay Coldit, noong Biyernes. Ito ay nagmula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa ilalim ng Department of Agriculture.
“Ito po yung first batch recipient from 2019 po, which is Asingan, under sa programa ng Rice Competitiveness Enhancement Program ng government Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization.” pahayag ni Maritess Sobrevilla, Science Research Specialist 1 ng PhilMech.
“ Ang PhilMech po ang naatasan ng goverment na mamahagi ng makinarya so ang nagka-qualify po dito is mga farmer associations and cooperatives, hindi siya individual. Yung programa ng RCEP is from 2019 to 2024 so nag-start siya last year pero ito ay backlog namin so ngayon pa lang namin siya deniliver gawa ng Pandemic” dagdag ni Sobrevilla.
Nagpasalamat naman si Mayor Carlos Lopez Jr. sa laging pagsuporta ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Amado Espino III at ng Department of Agriculture sa bayan ng Asingan.
“Ito yung request natin, ng ating mga farmers group, na nag-request tayo sa Department of Agriculture at sa pamamagitan ng ating mahal na Governor Amado Espino III at na grant-an yung ating request na nabigyan ang ating farmers association ng isang traktor kaya nagpapasalamat tayo sa DA sa biyayang napagkaloob sa ating farmers association malaking bagay ito.” ani ng alkalde.
Ang San Calvo Association ay mayroong isangdaan at apatnapu’t anim na miyembro mula sa barangay Coldit.
“Masaya kami kasi nabigyan kami ng ganitong equipment na pang heavy eh maganda sana maging succesful naman yung IA namin. Maraming maraming salamat sa PhilMech na nagbigay sa amin nito at saka sa Mayor namin dito sa Asingan, ng MAO namin na si Ernesto Pascual maramig maraming salamat sir.” Pagpapasalamat ni Rogelio Dacasin Sr., presidente ng kooperatiba.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top