PANGASINENSENG COVID 19 SURVIVOR, NABAKUNAHAN NA NG SINOVAC
Kabilang ang limampu’t limang taong gulang na si Dr. Amelita Rame Guzon, Head ng Family Medicine Department ng Quezon City General Hospital (QCGH) at tubong Asingan, Pangasinan sa mga naunang naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
“Kung kami kami lang dito sa hospital talagang iiyak ako sa tuwa, emotional ako kaya lang pinigilan ko kasi kako ito na yun. Lord ito na yung pinagdasal ko one year na ito eh. May mga Consultants din kami na actually wala sa guideline pero nagpabakuna 60 plus [edad] na sila, kasi sa guideline ng Sinovac dapat 59 to 16 years old ” kwento ni Dr. Guzon
Nasa tatlong daan (300) na doses ang inilaaan ng pamahalaan sa mga medical frontliner ng Quezon City General Hospital at inaasahaan na madagdagan pa sa mga susunod na linggo.
“Nakakatawa nga eh kasi noong binabakunahan nila ako nakahawak talaga ako ng rosaryo kasi alam mo yun kahit papaano nangangamba ka tapos tinawagan ko yung mga kapamilya ko sa Asingan sabi ko pray for me tapos isa pa ako sa first five na babakunahan” pahayag ni Dr. Guzon.
Matatandaan na buwan ng Agosto ng nakaraang taon nang ma-diagnose si Dr. Guzon na siya ay positibo sa COVID-19.
“Ano ba talaga ang kinakatakutan mo? Ang magka-Covid ba o yung bakuna? Bakuna ito na yung gamot eh. Bakit ka natatakot sa gamot? Eh akala ko ba takot ka magka-Covid. Ito na yun para matuldukan na yung cycle ng pandemya ang magpabakuna, huwag tayong maging brand conscious, ang importante po what ever is able is the best brand” ani Dr. Guzon.
Nagawaran si Dr. Guzon ng prestiyosong Gawan Bayaning Kalusugan kamakailan. Ang prestisyosong Gawan Bayaning Kalusugan ay para sa taong ito ay nagbigay pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga health care workers sa panahon ng pandemya.