Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pangasinan-Benguet Road Project ng DPWH Region1

Mar
14,
2023
Comments Off on Pangasinan-Benguet Road Project ng DPWH Region1

 

 

 

???????????????????? ???????? ????????????????????????????, ???????????????????????????????? ???????? ???????????????????????????????????????????????? ???????? ???????????????????? ???? ???????????????????????????? ???????????????????????? ????????????????????????????????????????-???????????????????????????? ???????????????? ???????????????????????????? ???????? ???????????????? ???????????????????????? ????
Inaasahang mas mapapaikli at mapapabilis na ng pagbiyahe ng mga motorista mula Pangasinan papuntang Cordillera Administrative Region (CAR) sa mga susunod na taon.
Kasunod na rin ito ng isinagawang groundbreaking ceremony kamakailan ng San Manuel (Pangasinan) – Itogon (Benguet) Road sa Barangay Salingcub, sa bayan ng San Nicolas na pinagunahan ni Senador Imee Marcos.


“Alam niyo nakakatuwa talaga itong project na ito, ito talaga ang pangarap ng tatang ko ni apo President Ferdinand Edralin Marcos. Sangapulo dagitoy nga inter-regional projects. Ang sabi nila bakit daw ako nag-aaksaya ng budget sa maliliit na bayan katulad ng San Nicolas at mga kadulo duluhan na bayan? Bakit hindi na lang ipusta sa siyudad kung saan malaki ang boto, hindi naman puro pulitika ang buhay. Ang importante ay makatulong ito sa mga marginalized communities na sinasabi, marami pa tayong IP, marami tayong mahihirap sa mga bulubundukin – ditoy bantay. Kaya kailangan tulungan po.” ani ng Senadora.


Ang San Manuel (Pangasinan)-Itogon (Benguet) Road ay isang inter-linking Regional Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 na nag-uugnay sa mga bayan ng San Manuel, Asingan, Tayug at San Nicolas sa lalawigan ng Pangasinan; Cayapa, Nueva Vizcaya at Itogon, Benguet na may lawak na 46.5 kilometro at nagkakahalaga ng 1.915 bilyong piso.
Kabilang sa madadaanan ng proyekto ay ang mga barangay ng San Vicente East, Barangay Bantog, Barangay Ariston West at Barangay Ariston East.
“Napakagandang break ito actually para sa ating bayan, because madagdagan ulit tayo ng opportunity na madaanan tayo ng pag unlad. Dahil yang mga product from the higher land naipupunta sa atin, pwede ng magamit yung kagagawang bagsakan [trading post] na nandoon sa magilas trail na pinarepair natin. At yung volume ng travelers, siguro kung makaayos tayo dito ng isang tourism site, isa doon yung ginawa nga natin sa Macalong we could attract also tourists to visit our town.” pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Lubos naman ang pasasalamat ni Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas sa panibagong iskruktura na makakatulong sa pamumuhay ng nasa ika-anim na distrito.
“Madam Senator maraming maraming salamat po sa oras po ninyo sa pagdalo po dito, pagbisita sa aming pong distrito. Alam po namin na ang inyong pagbista po sa amin ay simbolo po ito ng inyong pagmamahal at malasakit po sa aming distrito. Alam po namin na hindi niyo po kami pababayaan.” ani ng kongresista.
Naging bahagi din ng groundbreaking ceremony sina Gobernador Ramon Guico III, Bise Gobernador Mark Lambino, DPWH Regional Director Ronnel Tan, OIC-Assistant Regional Director Mathias Malenab, San Nicolas Mayor Alicia Primicias-Enriquez, Tayug Mayor Tyrone Agabas, Rosales Mayor William Cezar, Vice-Mayor Heidee Chua, Sangguniang Bayan Members at barangay council ng Barangay Bantog.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top