Pagpapasara ng palengke FAKE NEWS! Pamimili ng Karne at Isda sa Wet Market No Pass Slip No Entry!
Kumalat ang balibalitang magsasara di umano ang pamilihang bayan o Palengke ng Asingan sa susunod na dalawang linggo na agad namang nilinaw ng ating Market Supervisor na si Alejandro Torio ang tungkol dito. “Hindi totoo yun dahil syempre lalong magkagulo ang tao pagnilockdown ang palengke syempre wala na silang pagbilhan ng makakain”.
Kasabay nito ang paghihigpit sa Wet Market alinsunod sa binabang memorandum ng DILG patungko sa social distancing. “Yung mga nakaschedule doon sa clustering may mga dating sumisingit kahit hindi naka schedule, kaya ngayon may mga pulis na checheck ng pass slip kung hindi nila schedule hindi pwede pumasok” dagdag ni Torio.
Sa ngayon ay nagmomonitor ang mga POSG kasama ang PNP Asingan upang masunod ang implementasyon ng social distancing at ang pagsusuot ng face mask.
JC Aying Akosi MarsRavelos