PAMANANG YAMAN, PRODUKTONG PANGASINAN CARAVAN, BALIK ASINGAN BUKAS!
Bukas, November 18, ay isasagawa ang ikalawang araw ng Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan Caravan sa bayan ng Asingan, ang pinakaunang pinuntahan sa ika-anim na distrito.
“Very Very good in terms of sale output. Pinakamalaki siya so far sa mga napuntahan namin.” pahayag ni Alex Sevilla Jr., Planning Officer III ng Provincial Population, Cooperative and Livelihood Development.
Muling makakabili ang mga kailyan ng kilalang produktong Pangasinense tulad ng Lingayen Bagoong, Patis at Alamang, Planters at Wooven Product ng San Carlos City, Bolinao Dried Fish at Danggit, at Tapa Mangaldan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
“Sa mga kakabayan ko lahat ng taga Asingan at malalapit sa Asingan inaayayahan po namin kayo na dumalo, pumunta, bumisita sa ating Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan Caravan. Bukas, isang araw, maghapon po uli tayo na magkakasama sa tabi ng municipal building ng Asingan. Lahat po ng inyong mga kinagigiliwan at paboritong mga produktong Pangasinan pagkain man yan o handycraft amin pong dala bukas sa aming rolling store. Please come and let us support Pangasinan product.” dagdag ni Sevilla Jr.
Susunod na pupuntahan ng Caravan ang bayan ng Umingan, sa araw ng Huwebes at Biyernes.
Romel Aguilar / JC Aying