PAMANANG YAMAN, PRODUKTONG PANGASINAN CARAVAN, BALIK ASINGAN!
Isinagawa ngayong araw ng Miyerkules July 22, ang pagbubukas ng dalawang araw na paglalako ng iba’t ibang produktong gawang Pangasinan sa pamamagitan ng Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan Caravan ng Provincial Government.
Muling makakabili ang mga kailyan ng kilalang produktong gawa ng mga Micro Small and Medium Enterprises MSME’s o maliliit na mga negosyante sa lalawigan tulad ng Lingayen Bagoong, Patis at Alamang, Planters at Woven Product ng San Carlos City, Bolinao Dried Fish at Danggit, at Tapa Mangaldan.
Layunin ng programang ito na tulungan ang sector na ito upang makabangon sa pagkalugi dulot ng Pandemya.
Magsisimula ang Caravan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Romel Aguilar / Photo JC Aying