PAMAHALANG LOKAL NG ASINGAN, NAGHAHANDA NA SA POSIBLENG PANANALASA NG BAGONG JOLINA AT KIKO
Bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Jolina at Kiko ay pinulong ngayong umaga ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council upang magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment at Emergency Response Preparedness at planuhin ang pagtugon sa mga posibleng epekto ng bagyo.
Nakibahagi sa isinagawang pagpupulong sina Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Dr. Jesus Cardinez, Police Major Resty Ventinilla ng Philippine National Police (PNP), Senior Fire Officer IV Nerissa Bruan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Jonathan Hermogino ng Public Order and Safety Group (POSG) Municipal Local Government Operations Officer Catherine Velasquez ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Liga ng mga Barangay President Letecia Ramos Dollente.
Romel Aguilar