Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagpaparehistro sa RSBSA Extended

May
12,
2020
Comments Off on Pagpaparehistro sa RSBSA Extended

Magandang araw mga kababayang mga magsasaka! Paalala po sa mga hindi pa nakakapag parehistro sa RSBSA, Extended ang pagpaparehistro!
MAGPAREHISTRO NA PO HABANG HINDI PA HULI ANG LAHAT! Libre lang po ang magparehistro!
ANO ANG RSBSA?
Ang RSBSA o ang tinatawag na “REGISTRY SYSTEM for BASIC SECTOR in AGRICULTURE” ay ang isinasagawang rehistro para sa mga Magsasaka.
BAKIT KAILANGANG MAG PAREHISTRO ANG MGA MAGSASAKA SA RSBSA?
Ang RSBSA ang basehan ng gobyerno kung sino ang pwedeng makakatanggap nang ibat-ibang benipisyo at ayuda sa pagsasaka mula sa Department of Agriculture at iba pang proyekto ng gobyerno.
KUNG IKAW AY MAGSASAKA, ANONG MGA BENIPISYO ANG PWEDENG MATATANGGAP SA DA?
* Financial Assistance
* Binhi
* Abono
* Access to Loan programs
* Crop insurance
* Mga kagamitan sa pagsasaka tulad ng makinarya
* Access sa mga programa sa pag hahayupan
* at iba pa.
Hanzon Paragas
Maria Jonabel Gidayao
EmRi Badua Castillo

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top