Pagpapababa sa kaso ng teenage pregnancy sa Pangasinan, prayoridad ng PPCLDO; 1 sa bawat 10 babaeng may edad 15-19 maagang nabubuntis.
Sa ulat ng Population Commission noong 2017, nagkaroon ng 47 live birth sa bawat 1,000 kababaihan na nasa edad 15 pataas. Mas mababa ito kumpara noong 2013 na nagkaroon ng 57.
Upang lalo pa itong mapababa ay nagsagawa ng unang meeting sa ika-anim na distrito ang mga miyembro at opisyales ng Provincial Population Cooperative & Livelihood Development Office o mas kilala sa dating tawag na Provincial Population Office sa bayan ng Asingan.
Dito tinalakay ang mga iba’t ibang programang nakalaaan para sa kabataan ayon kay Elsworth Gonzales, Provincial Population Officer.
Balak nilang palakasin ang National Program patungkol sa Population Planning, maabot ang mas maraming kabataan upang maging responsableng mga young adult dahil ang kinabukasan nila ay nakabase sa mga desisyon ngayon.
“Isa pa ang mga kalalakihan maging katuwang ng mga asawa sa pagtatagyud sa pamilya tulang ng program na KATROPA o Kalalakihan Tapat Sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya, hindi lang sa traditional o bread winner hindi lang yung role sa pamilya ani ni Elsworth Gonzales.
Ayon sa Provincial Population Cooperative & Livelihood Development na nasa ilalim ng National Economic Development Authority, malaking porsyento ng unplanned pregnancies ay galing sa mahirap na pamilya dahil kulang sa impormasyon kaugnay ng sexuality education.
Magsasagawa din ng talakayan ang dumaraming kaso ng namamatay o morbidity at mortality sa human immunodeficiency virus-acquired immunodeficiency syndrome (HIV-AIDS), maternal at infant deaths pati na ang iba pang mga nakakahawang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.