Muling nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) Asingan na hanggang bukas na lang araw ng Martes, August 31 ang huling araw ng pagpo-proseso ng nais magpalipat ng voter record para sa mga overseas voters na gustong bumoto sa bayan ng Asingan.
“Sa lahat ng mga overseas absentee voter na nakauwi na ng ating bayan meron na lang sila hanggang bukas August 31 para mag apply ng transfer of records nila para sila ay makaboto.” pahayag ni COMELEC Asingan Election Officer Lenny Masaoy.
Ayon naman sa Department of Labor and Employment (DOLE), mahigit anim na daang libong (600,000) OFW ang umuwi ng Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng gobyerno dulot na rin ng epekto ng pandemya sa ibang bansa.
Samantala, may nalalabi na lamang na isang buwan ang mga residente ng Asingan upang makapagrehistro para sa 2022 national at local elections, habang ang filling ng certificate of candidacy ay magsisimula ngayong October 1 at magtatapos sa October 8 kabilang na dito ang araw ng Linggo.
Bukas ang COMELEC Asingan mula alas otso ng umaga (8AM) hanggang alas siete ng gabi (7PM) Lunes hanggang Biyernes.
Para sa mga bagong magpaparehisto, kinakailangan lamang magdala ng kanilang ID, gaya ng Company o Student ID, Driver’s License, Senior Citizen’s ID, PWD ID, Postal ID, SSS/GSIS ID, NBI Clearance, o di kaya nama’y pasaporte.
Romel Aguilar / Photo JC Aying