Pagkuha ng Business Permit sa Municipyo ng Asingan, Dinagsa
Umabot na sa isandaan at limangpu (150) business renewals at mga bagong negosyo ang nabigyan na ng lisensya ng lokal na pamahalaan ng Asingan sa pamamagitan ng Business One Stop Shop (BOSS).
Inaasahan naman na ngayong susunod na mga araw ay dadagsain ng mga negosyante ang munisipyo dahil hanggang sa January 20 na lamang ang nakatakdang deadline o huling araw ng pagpapa-renew ng kanilang business permit upang hindi mapatawan ng penalty.
Nito lamang nakaraang taon ay umabot sa isanglibo, siyam na raan at labing apat (1,914) ang nakakuha ng business permit.
Sa pamamagitan ng Business One Stop Shop ay mapapabilis ang proseso sa pagkuha ng mayors permit at maging ang pagre-renew ng permit ng mga may-ari ng negosyo.
Ang Business One-Stop Shop (BOSS) ay bukas mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
(Mel Aguilar, Asingan PIO)