Pagdating ng Bagyo Jenny, sinalubong ng mga nagtotong-its; mga sugarol minalas.
Sa rehas ang bagsak ng tatlo na lalaki nang mahuli sa aktong nagsusugal ng “tong its” sa Barangay Bantog, nitong lunes ng hapon sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng operatiba ng PNP Asingan.
Mahaharap naman ang tatlo sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling Law.
Ayon sa PNP Asingan matagal nang isinusumbong ng ilang concerned citizens ang pagsusugal ng mga ito sa nasabing lugar.
Samantala, inirerekomenda ang P2,000 na piyansa sa bawat isa upang pansamantalang makalaya sa kaso.