Pagbubuo ng 24/7 Disaster Response Team ng Asingan sinimulan na; Mga asong pakalat-kalat na ugat ng aksidente, bilang na ang araw
Binuo ang 24/7 Disaster Response team para sa ng bayan Asingan na tututok sa disaster at emergency response.
“Yung opisinang ginawa kailangan na may tatao 24 hours para doon sa emergency response so na pinapangunahan ni Dr. Jesus Cardinez pag may disgrasya lalong lalo na sa panahon ng kalamidad may available tayo at ako din mismo sinisigurado ko na mamanduan natin yan ng maayos” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Kabilang sa 24/7 Disaster Response team ang ay ang PNP, BFP, MDRRMO at RHU.
“Lahat ng office na nandun may representantive sila doon para organize lang yung pag responde. Probably next year siguro ang full operation kasi kailangan pa natin training yung mga personnel na magduduty doon kung ano yung specific na task pag andun sila 24/7” ani Dr. Jesus Cardinez, kasalukuyang head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Kasama na rin sa napag-usapan sa kakatapos na MDRRM Council meeting ang ordinansa sa mga asong gala na karaniwang nagdudulot ng aksidente sa kakalsadahan.
“Mag e-execute tayo next week ng memorandum saka executive order sa pag implement ng municipal ordinance doon sa mga may ari ng aso na kanilang itali at hindi pakalat kalat sa kalsada kailangan munang magkaroon ng public information during itong incoming barangay assembly kung saan iinform natin ang public that we are now implementing dog ordinance prior to that magpapalagay na tayo ng tarpulins for each barangays so that the public may know na may ordinansa na tayong iniimplement bago natin kailangan eenforce yung mga penalties na nakalagay doon” saad ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Isinulong noon ni dating Councilor Jesus Cardinez ang ordinansa na naglalayon upang maisaayos ang mga alagang aso.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying