Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PAGBABAHAY-BAHAY PARA SA NATIONAL ID, UMARANGKADA NA SA ASINGAN

Oct
21,
2020
Comments Off on PAGBABAHAY-BAHAY PARA SA NATIONAL ID, UMARANGKADA NA SA ASINGAN

PAGBABAHAY-BAHAY PARA SA NATIONAL ID, UMARANGKADA NA SA ASINGAN
Nag-umpisa nang magbahay-bahay ang mga opisyal at enumerator ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang linggo ng pre-registration ng National ID System sa barangay Baro, Asingan.
Target ng PSA na maparehistro ngayong taon ang 4,904 household heads sa bayan ngayong 2020.
“Sa pre-registration, ang kinukuha lang namin ay demographic data, full name, birthday, blood type, address, mobile number at verification ng picture.” ayon kay Athea Abulencia, PSA Registration Officer.
Inuna ang mga probinsya na kabilang sa low-income households base sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mababa ang bilang ng COVID-19 cases na itinuturing na low-risk areas.
Sa Nobyembre 25 ay kailangan na lang pumunta ng mga indibidwal sa designated registration center para sa pagkuha ng biometrics.
“Sa registration naman po, kukunin namin ang biometric data tulad ng picture para sa ID, finger scan at iris scan. Mas maganda po na mai-prepare na po sana ang primary document katulad birth certificate (PSA), valid ID katulad ng voters ID, Philhealth ID, 4ps ID , Passport, Senior Citizen o School ID.” ani Abulencia.
Bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, target ng PSA na makapagparehistro ang nasa 90 milyon Pilipino sa national ID system.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top