Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagawaan Ng Gatas Ng Kalabaw Sa Asingan, Nabigyan Ng Mga Bagong Kagamitan

Sep
11,
2020
Comments Off on Pagawaan Ng Gatas Ng Kalabaw Sa Asingan, Nabigyan Ng Mga Bagong Kagamitan

PAGAWAAN NG GATAS NG KALABAW SA ASINGAN, NABIGYAN NG MGA BAGONG KAGAMITAN MULA KAY SENADOR VILLAR; 15 MILYON PESO NA KARAGDAGANG ISTRUKTURA, ISUSUNOD NG ABONO PARTYLIST.
Isangdaan at limangpung (150) piraso ng Ice Box, tatlong (3) motorsiklo, walong (8) chest freezer, tatlong (3) display chiller at dalawandaan at limangpung (250,000) piraso ng sachet, stickers para sa labelling at kagamitan sa kusina ang natanggap ng kooperatiba ng Bantog Samahang Nayon mula kay Senadora Cynthia Villar
“Kami po dito sa Asingan at sa Samahang Nayon ay kaagapay po ng ating butihing senador sa kanyang adhikain na mapaganda po natin ang mga facility ng ating dairy production para po makatulong sa ating magsasaka, muli madam Senadora maraming salamat po” mensahe ni Mayor Carlos Lopez Jr.

Ayon kay Mayor Lopez Jr., kaalinsabay nito ang pagsisimula ng pagpapatayo ng labinlimang (15) milyong piso na multi purpose building gaya ng processing plant, opisina ng kooperatiba at restaurant.
“Maganda po yung design dahil gusto po ng ating Congressman Conrado Estrella III na meron po siyang restaurant habang kumakain po tayo. Nakikita natin kung paano ginagawa yung mga dairy products po ng Samahang Nayon Dairy Box para ma-enganyo ang mga turista na bumili para hindi na mahirapan sa marketing ang ating produkto” dagdag ng alkalde.
“Salamat at bigay pugay sa ating lokal government unit kay Mayor at sa ating mga member ng Sangguniang Bayan, kami sa Philippine Carabao Center nagpapasalamat kasi kailangan namin ang isang local government unit na maging partner para madevelop natin ang dairy program sa Pilipinas” pahayag ni Dr.Arnel Del Barrio, Executive Director ng Philippine Carabao Center.
Pinasalamatan ng butihing alkalde sina Direcor Gloria M. Dela Cruz at Vilma Gagni, OIC Center Director ng Philippine Carabao Center para sa kanilang ambag sa mag usbong ng industriya ng gatas ng kalabaw sa Asingan.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top