P500 NA TULONG, IBINIBIGAY PARA SA INDIGENT SENIOR CITIZENS NG ASINGAN
Pormal nang sinimulan kahapon ng LGU Asingan ang pagbibigay ng tulong pinansyal para sa kwalipikadong indigent senior citizens ng Asingan.
Kasama ang mga tauhan ng Municipal Social Welfare Development, Municipal Treasurer’s Office at ni Mayor Carlos Lopez Jr, ay kanilang binisita ang Barangay Ariston East, Ariston West, Bantog, Poblacion East, Dupac at San Vicente East.
Isa sa nabigyan ng P500 ay ang animnapu’t tatlong (63) taong gulang na si Maximo Manibog ng barangay Dupac.
“Maganda yan na ginagawa ni Mayor malaking tulong yan, lalo na sa akin na walang trabaho. May pambili na ako ng gamot ko pang maintenance ko” ani ni Manibog, na isa ring person with disability.
Base sa Municipal Ordinance no. 8 series of 2019 na inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Heidee Chua, limang senior citizen sa bawat barangay na hindi tumatanggap ng pension mula sa GSIS, SSS at iba pang ahensiya ng gobyerno ang dapat na bigyang tulong pinansyal ng lokal na pamahalaan.
Romel Aguilar / Rome Bagood