P1B Medical Supply, Relief Goods handog ng NGCP sa mga biktima ng Covid 19 sa Pilipinas; bayan ng Asingan, nakatanggap ng 2,000 FaceMask at 45 na kaban ng bigas
Dumating noong nakaraang biyernes, June 5, ang karagdagang tulong mula sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa bayan ng Asingan para sa mga lugar na apektado ng pandemya.
“Ito po ay dalawang libong piraso ng facemask, this [is] part of the 1 billion [peso] donation ng NGCP to the National Government so other than sa medical supplies kagaya ng facemask, nagbibigay din po si NGCP ng mga ventilators, ng mga PPEs to select LGUs and Hospitals dito sa Pilipinas.” ayon kay Ernest Vidal, ang Ilocos Region and Central Luzon Corporate Communication Officer.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, ay namahagi din ng apatnaput limang (45) kaban ng bigas ang NGCP.
“Part of the one billion donation of NGCP to the national government ay pinurchase ng NGCP for the relief goods na pinamahagi po natin sa mga LGUs and then other than that, may in-allot din si NGCP na donasyon na bigas sa mga distribution utilities natin dito sa Pangasinan gaya na lang ng Panelco III.
So through the joined efforts ng Panelco III at ng NGCP nakapagbigay kami ng sako sakong bigas dito sa franchise areas ng Panelco III. This is not only Pangasinan areas but nationwide.” dagdag pa ni Vidal.