Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Orientation para sa apatnapung (40) Kabataan na Benepisyaryo

Jun
19,
2024
Comments Off on Orientation para sa apatnapung (40) Kabataan na Benepisyaryo
Pinangunahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang orientation para sa apatnapung (40) kabataan na benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES) kasama ang kanilang mga magulang.
Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ating mga piling mag-aaral at out-of-school youth (OSY) mula sa ating bayan.
Malaking tulong ito upang ang ating mga kabataan ay maging produktibo at makatulong sa pamilya.
Isa rin itong oportunidad upang makapag-ipon habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.
Ang mga beneficiaries ay magtratrabaho ng 20 na araw at may sahod na P502.27 kada araw.
Pinasalamatan naman ng alkalde ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Bienvenido Laguesma sa patuloy na pagbibigay ng mga programa para sa mga mamamayan ng Asingan gaya ng Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Government Internship Program (GIP) at iba pa.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top