OPISYAL NA PAHAYAG
Ikinalulungkot naming ipabatid na batay sa kumpirmasyon ng Provincial Health Office (PHO), nakapagtala ng tatlong (3) bagong kaso ng CoViD-19 sa bayan ng Asingan. Sa kasalukuyan, mayroon tayong 6 na active cases, 5 active suspect cases, at 5,085 PUMs.
Mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat ng locally-stranded individuals (LSIs), returning OFWs (ROFs) at immigrants, at APORs na sumailalim muna sa health evaluation sa Triage Area (8:00 AM-5:00 PM) o RHU (after office hours at weekends) bago umuwi sa kani-kanilang tahanan. Ito ay upang maiwasan ang di-inaaasahang pagkalat ng sakit at malagay sa alanganin ang ating pamilya at komunidad.
Hinihimok din ang lahat na iwasan ang di-kinakailangang paglabas rig bahay at maging mapagmatiyag sa sinumang uuwi sa Asingan at makipag-ugnatan sa awtoridad para na rin sa ating kaligtasan. Hinihingi namin ang inyong pang-unawa at pagbabayanihan.