Batay sa kumpirmasyon ng Provincial Health Office, nakapagtala ng isang (1) bagong kaso ng CoViD-19 sa ating bayan.
Si Patient number 23 ay 65-anyos na lalaki mula sa Barangay Bantog. Siya ay may history of travel sa Los Angeles, California U.S.A.
Sa kasamaang palad, pumanaw na si Patient #23 noong Nobyembre 17, 2020 at agad na ring na-cremate.
Isinailalim na sa granular lockdown ang buong sambahayan sa loob ng 14 araw (Noyembre 21- Disyembre 5) habang atin nang iniutos ang agarang decontamination at contact tracing sa nabanggit na lugar upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Mag-alay po tayo ng panalangin at higit pang pag-ibayuhin ang pagi-ingat at pagiging mapagmatyag.