NIA Region 1, aaksyonan na ang problema sa irigasyon na nagdudulot ng pagbabaha sa Asingan
Mabibigyan na ng solusyon ang sanhi ng pagbabaha sa ilang bahagi ng Asingan.
Ibinahagi ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang kanilang napag-usapan nang bumisita ito kamakailan sa tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA) Region 1.
Aniya, tiniyak ng pamunuan ng NIA-1 sa pangunguna ni Pangasinan Irrigation Management Office Manager Dennis De Vera na maaksyunan ang nasabing suliranin na inilapit ng alkade.
“Kokontrolin na nila yung tubig na dadaloy sa irrigation canal —yang yung committment nila kasi tama naman yung sinabi nila na sobra sobra yung tubig na kinukuha ng mga magsasaka, di na nila tinitignan kong malaki masyado yung nakuha nila’t itatapon na lang sa mga palayan at pupunta rin sa drainage canal natin kaya yun masyadong malaki ang volume” pahayag ni Mayor Lopez.
Maaalalang noong mga nakalipas na linggo ay binaha ang ilang bahagi ng Zone 1 Macalong, Purok Isem at Purok Tibker ng Domanpot pati na rin ang Poblacion.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying