Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Natulungan ng Libreng Sakay ng Isang Transport Group Umabot sa 1.5K na Biyahero

Aug
17,
2024
Comments Off on Natulungan ng Libreng Sakay ng Isang Transport Group Umabot sa 1.5K na Biyahero

Natulungan ng Libreng Sakay ng Isang Transport Group Umabot sa 1.5K na Biyahero

Nagtap os na kahapon Biyernes August 16, ang alok na libreng sakay ng Asingan Jeepney Transport Corporation.
Simula ngayong Sabado August 17 ay kailangan ng magbayad ng mga mananakay ng P25 hanggang P35 na pamasahe.
Ang Asingan Jeepney Transport Corporation bumibiyahe sa bayan ng Asingan, Rosales (Carmen), Binalonan at Sta. Maria gamit ang kanilang nasa dalawampu’t anim (26) na jeep.
Kabilang sa mga sumang ayon at pumirma para sa nasabing libreng sakay ay sina Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., Sta. Maria Mayor Julius Ramos, Rosales Mayor William Cesar at Binalonan Mayor Ramon Ronald Guico IV.
Ito ay sa inisyatibo ni Gilbert Estrella, anak ni Secretary Conrado Estrella III ng Department of Agrarian Reform katuwang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1.
(Mel Aguilar, JC Aying / Asingan PIO)
Photo Contributor: Asingan Transport Corporation Drivers

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top