Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Nasa Halos P270 MIlyong Pisong Annual Budget Ng LGU Asingan, Iprinisenta

Sep
10,
2024
Comments Off on Nasa Halos P270 MIlyong Pisong Annual Budget Ng LGU Asingan, Iprinisenta
Nasa Halos P270 MIlyong Pisong Annual Budget Ng LGU Asingan, Iprinisenta ni Mayor Carlos Lopez Jr sa Sangguniang Bayan
Isinumite na ni Mayor Carlos Lopez Jr. kasama si Municipal Budget Officer Emely Badua sa Sangguniang Bayan ngayong araw, Setyembre a nuebe , ang panukalang P269,593,706 Million Executive Budget para sa taong 2025 ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan.
Sa budget message, inihayag ng Punong Ehekutibo ang mga programa, proyekto at aktibidad na bibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan para tugunan at palakasin ang sektor ng mga bata, kabataan, kababaihan, nakatatanda, persons with disability, mga magsasaka at marami pang iba.
Ang Sangguniang Bayan ng Asingan ay pinapangunahan ni Vice Mayor Heidee Chua katuwang sina Councilor Ira Chua, Councilor Marivic Robeniol, Councilor Johnny Mar Carig, Councilor Joselito Villanueva Viray, Councilor Mel Lopez, Councilor Melchor Cardinez, Councilor Virgilio Amistad, Councilor Julio Dayag, ABC President Herminio Alcantara Jr. at PPSK President Naphtali Magiting Bernabe.
(Mel Aguilar, JC Aying/ Asingan PIO)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top