Ang Step 2 registration ay ang pag-validate ng demographic data at pagkuha ng biometric information tulad ng iris scan, fingerprints at front-facing photograph na isinasagawa sa mga designated registration centers.
Paalala na ingatan ang transaction slip para sa pagtanggap ng PhilID at PhilSys Number (PSN) na ihahatid naman ng PHLPost sa address na iyong ibinigay.
Sa iyong pagtungo sa registration center, alamin ang mga alituntunin rito:
IWASAN magsuot ng sando o sleeveless na damit. Ipinapayo na magsuot ng presentableng kasuotan.
IWASAN din ang paglagay ng heavy o makapal na make-up.
TANGGALIN ang eyeglasses o contact lenses, hikaw, kwintas at iba pang uri ng facial piercing bago kuhanan ng biometric information.
Kung ikaw ay walang valid ID tulad ng mga nabanggit, ang iyong BARANGAY CLEARANCE o CERTIFICATE na naglalaman ng thumbmark/signature, buong pangalan, address, birth date at front-facing photograph ay sapat at tinatanggap ng PSA para ma-validate ang iyong demographic data. MAGSUOT ng FACE MASK sa lahat ng oras maliban kung kukuhanan na ng larawan.
HUWAG TUMULOY kung nakakaranas ng COVID-19 symptoms tulad ng ubo, lagnat, o hirap sa paghinga.
UGALIING mag-sanitize, at panatilihin ang isang metrong physical distancing.